
Nung malaman ko merong TD fans day dito, syempre text galore mga possible maka attend sa mallshow. Ang hindi ko tantya is di na katulad sa mga dating mallshow na if 3pm ang show, 1pm kaunti pa ang tao. So plan akong pumunta ng 1pm pero nag text si Ate Belle (KL) ng 12pm na mahaba na daw ang pila so bigla akong napasugod at dumating sa venue ng almost 1pm. Ayun, nasa ika 4th na ikis ng line ako with kimgee who I met for the 1st time. Sa Cebu, buy lang ng greenbag (P35x2) para makapasok sa venue. Awa ng Dios, nakapasok kami mga 2pm...yung iba nakapasok na kasi sabi ko pag dumating sila sa venue, pila na lang sila at huwag na maghintayan. may 6 BAOs na hindi nakapasok kasi nahuli sa pagdating. Di naman kasi pwedeng bilhan mo in advance...ikaw talaga ang bibili para makapasok. Bonggang aawayin ka ng mga tao pag sumingit ka. Mabuti na lang at nagkaroon ng pagkakataon na magkatabi-tabi kaming mga KW,KL at Baos..United talaga at yung tarps ng each group, nakahilera. Syanga pala, habang nakapila kami, kunting usap-usap tungkol sa masamang plano. Alam ninyo ba na LAHAT ng mga nakarinig super agree na hindi dapat ipareha ang Kimerald kahit nino man. Peksman iyan. Yung kausap ko na older woman (in her 60s) galit na galit at ayaw na ayaw din niya...SOLID talaga ang Kimerald Cebu.
Sinasabi pa lang ang mga pangalan, malalaman mo na kung sino ang pinunta ng mga tao.Ang lakas ng sigawan nung sabihin ang name ni Gerald at Kim. Open ang venue but may roof pero mabibingi ka pa rin sa hiyawan. Mabuti nga at di masyadong late pinalabas ang mga artista. Unang lumabas si Jake at kumanta...meron ding sigawan. Tinaas namin ang 3 tarps ng sabay & after makita ni Jake, di na sya tumitingin sa banda namin e nasa gitna kami at unahan pa. Nung lumabas si Coco, mas malakas ang hiyawan kasi 1st time din siyang makita ng lahat. Medyo overwhelmed si Coco at behave. Hindi epal at hindi mayabang.
Nung tinawag na si Gerald, ayun na, nakakabingi na ang hiyawan. Yung mga tao sumugod na sa harapan.Syempre taas din namin ang 3 tarps. Laki ngiti ni Bisoy. Full force e at united pa. Paglabas ni Kim, ganun din. Ang mga tao hindi na magkamayaw. Pumatong na kami sa mga silya doon. Wala nang umupo until the end. Sa vids ni Ate Belle ninyo na lang panoorin yung mga kilig answers...take note lang na nandun sa harapan sina Twinkle at mga Tita ni Kim with their friends. May game with the 3 guys. Then sing sila at nagbigay ng roses sa crowd. Then sing din KG at Jake...in fairness, after siguro niya makita na Kimerald country ang Cebu, di na siya masyadong umi epal. Para ngang tini tease pa siya ng Kimerald lalo na ni Kim kasi halata sa mukha ni Jake na medyo ilang.
Tanong si kim about kanino gusto mapunta si Audrey? pagsabi niya ng dave, mga tao NO talaga at ako naman na nawala na sa matinong pag iisip habang nakatayo sa silya, nag thumbs down pa. Kaloka, nasa likod ni Kim si Biboy A at parang nakunan pa yata ako ng camera waaaaaaaaaaa. kitang kita ako kasi matangkad kaya ako at malaki pa waaaaaaaaaaaa sana hindi i broadcast. patay ako hahahaha anyway, nung pababa na sila, ang hubby todo alalay kay wifey...hindi kamay lang but buong arm ni Kim ang hinawakan hanggang makapasok sa loob ng van si Kim.
Yung 6 na BAOs na hindi nakapasok? Nagulat na lang ako nang may tumawag sa akin at paglingon ko, sina Jang at Drei nasa VIP side at may dalang rose. Ang ginawa daw nila is nung lumabas na si Ge yata ay inakyat nila ang railings ng backstage. Ayun, nakalapit sila sa stage kasi hindi na mapigilan ng guards ang crowd. Nabigyan sila ng rose ni Ge at nakakiss pa sila kay Ge waaaa.
Thank you sa mga nag reserve ng seats sa amin at mga nakasama ko sa show...the best kayo : Ate Belle, Nerissa, Jaymar, Michelle Anne, Kimgee (Yang), Derby, Jenny, etc. Sina Zyra at Jackie (mom ni Zy), Jang, Drei, Lola & friend at pati si John na di nakapasok...so sorry guys. Very unexpected na ganun kadami ang tao. Jang & Drei, pinaka swerte kayo hehehe...Im so happy for you.
Pic above is owned by Ate Belle. Thanks Ate Belle :)


No comments:
Post a Comment