Tuesday, September 1, 2009

Belittling Kimerald?


It seems to me that there is an unconsious effort to downplay everything Kimerald had achieved, even belittling them. These are just some known & unknown facts which are most often unheralded. As a Kimerald Im mighty proud of them so im listing those I know of & remember.


2 teleseryes, Sana Maulit Muli & My Girl, na naging number one sa ratings but ang reference nito ay naging 'HIT' LANG. Kahit tinalo nito ang lahat ng karibal na shows nila, parang hindi notable yung naging achievement ng Kimerald. And showbiz people are notorious in acquiring convenient amnesia.

Ang IFFU sinasabi ng detractors ng KG na hindi daw kumita e tubong lugaw nga ang SC doon. Yung Cebu premiere, LIBRE ang ticket nun at wala pang ni isang international screening kahit sa Malaysia man lang. Coverage sa premiere night? Almost non-existent. Mas kino cover pa ng TVP ang bday celebration ng artista ng taga kabila na, veteran pa.

Yung SRRX na Kimerald ang binenta sa promo nun at naging Top 3 sa MMFF in terms of sales but wala akong nabasang nabigyan ng credit ang Kimerald dun.

3 straight years Guillermo awardee for Most Popular loveteam & those Pop Awards...relegated to a footnote ang mga facts na ito.

Yung Wowoweelympics, halos tabunan ng ibang walang kwentang issues at para bang takot i mention na nangyari yung Kimerald kilig moment.

Italy & Canada shows...meron bang balita about these outside the Kimerald threads?

The latest...Star Magic US tour...only artists who had a solo meet & greet for their fans. Info? Zip. The most applauded ang Kimerald. News about this? Nada. Same goes nung ASAP 08 Guam.

Other artists' UNSOLICITED praise of Kimerald like Lea Salonga stating Kimerald is her fave loveteam. How about the latest ones like Vilma Santos praising Kim & Christopher de Leon praising Gerald? Mabuti nga at nabalita pa but once is enough lang ang ginawa.

How about the Star Studio sales? Secret siguro ang fact na mabenta ito. Then you hear about a star who says nagpa re print pa daw ng mag na cover sya dahil mabenta & we know for a fact walang clear fans ang artistang ito.

Yung mag host si Kim sa isang important awards show noong baguhan pa sila ni Gerald wherein mega praise pa sa kanya ang KABILA dahil sa humility & professionalism ni Kim. Di pinapapansin at trinatong wala lang yun.

Even ngayon na ang TD laging panalo sa AGB, aba, dina divert pa. TD may have lost its credibility but bakit pinabayaan na mag top ang TD sa ratings nila e apat na shows na nila ang pinataob ng TD? Ayaw yata ipaalam na ganun kalakas ang Kimerald kahit sa AGB. Buti pa ang kabila sumirender yata sa powers ng KG. Kaya nga laking gulat ko nung bigyan ng credit ang Kimerald sa ASAP kaya kumita ang ABS ng 1 billion. Pero ang kapalit naman nun ay ang solo projects na kinasasama ng loob nating mga fans/viewers. Ayaw na yata nilang kumita ulit ng 1 billion.

The overwhelming number of endorsements ng Kimerald lalo na kay Kim...isang beses lang yata nabalita. Himala lang talaga kung ma feature sa TVPatrol na may press launch ang isang endorsement ng Kimerald kahit anong laki at tanyag pa ng brand.

Minsan lang bigyan ng coverage ang press previews or launches nila. Mabuti pa yung hindi mga sikat at taga kabila, pinapakita pa sa TVP ang signings or anong PR events ng hindi taga Star Magic.

Pinakamatipid yata sa gastos pagdating sa PR promo ang Kimerald. Labasan lang ng picture nila together o kaya magpalabas ng balita na may headline na Kimerald, kakagatin agad ng fans. Hindi na kailangang e hire yung mga INFLUENTIAL reporters para mamahala sa PR promo. Walang lokohan o pagsisinungaling na gagawin. Pagtabihin mo na lang ang Kimerald, yun na yun.

Sa ASAP na lang, kahit bahain pa natin ng emails para humingi ng prods na Kimerald lang, IGNORE mode sa kanila. Sorry na lang, ang purpose ng KG is para magamit sila para sa kapakanan ng iba. Di lang iyan, ginamit na sila para sa iba, mamaliitin pa. Kahit anong akyat ng Kimerald sa mataas na level, hihilahin nila pababa. Iba ang binibigyan nila ng importansya.

The latest show in New Jersey...I bet you everything I own that nary a whisper will be heard about its success nor can we read anything about it in the news. It's straight to the archives & be buried so deep one needs a backhoe to dig it up.

The recent Star Magic Ball...well, they have to mention Kimerald or else ma notice ng fans ang news blackout. But know also that the fans who watched the ball on livestream were demanding to see Kimerald almost the whole time. Another proof of Kimerald hunger.

These are just some that I remember....

No comments: