Sunday, September 6, 2009

ABS, These are what I want to say to you


Tayong Dalawa episode 136 72909

JR: Alam kong mali...asawa ni Audrey ang kapatid ko pero si Audrey ang rason kung bakit ako nagkakaroon ng lakas ng loob na lumaban at ipagpatuloy ang buhay. Isang ngiti lang ni Audrey, nakakalimutan kong lahat ng mga problema sa buhay ko. Kung ilalayo pa sya ni Dave, kanino at saan pa ako huhugot ng rason para makitang maganda pa rin ang bawat araw.



Solid Kimerald: Alam kong sila ay mali...asa silang balak nila di mapatid ko pero Kimerald ang rason bakit ako nagkakaroon ng ganitong saya at kilig sa buhay. Isang scene lang ng Kimerald together, nakakalimutan ko pati pangalan ko at address ng bahay ko. Kung ipaglalayo pa sila ng ABS, kanino at saan pa ako huhugot ng rason para makitang maganda ang palabas sa tv sa bawat araw.


Audrey: Kahit kailan hindi ako naging masaya sa trabaho dito. Hindi ko maramdamam na natutupad ko ang mga pangarap ko. Pero sa tuwing makikita ko si JR, sa tuwing makakausap ko sya, sumasaya ako. Kahit panandalian lang, nawawala lahat ng lungkot ko. Napupunan ang kulang sa buhay ko. Ngayon ilalayo na ako ni Dave, makakaramdam pa kaya ako ng ganung saya? Kapirasong kaligayahan ipagdadamot pa ba? Ang layo ng America, ang layo layo.


Solid Kimerald: Kahit mula PBB naging masaya ako sa loveteam na ito. Hindi ko maramdaman na nagsasawa ako sa paborito ko. Dahil sa tuwing makikita ko si Kim at Gerald, sa tuwing magkakasama sila, sumasaya ako. Kahit sila magkatabi lang, nawawala lahat ng lungkot ko. Napupunan ang kilig sa buhay ko. Ngayon na ipaglalayo sila ng ABS, makakaramdam pa kaya ako ng ganung saya? Kapirasong kaligayahan ipagdadamot pa nila? Ang damot ng ABS, ang damot damot.

No comments: